Nagpahatid ng kaniyang pagbati si Kuya Kim Atienza sa bagong weatherman ng TV Patrol na si Ariel Rojas, sa pamamagitan ng kaniyang tweet.

"God bless and all the best, Ariel! May God bless you and keep you and be gracious to your and your long career in ABS. Be the best you can be in the job I loved and I did for 17 years. Be well."

Si Kuya Kim ang naging weatherman at trivia master ng TV Patrol matapos sumakabilang-buhay si Ka Ernie Baron.

May sagot naman siya sa mga nagsasabing mas guwapo sa kaniya at totoong meteorologist ang pumalit sa kaniya na si Ariel Rojas, na naging resident weather forecaster ng PAGASA.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Agree! Happy po ako para sa @ABSCBNNews," aniya sa tweet.

Marami naman ang pumupuri sa malinaw na pagbigkas at paghahatid ng weather update ni Ariel.

"What a week! Honored to be of service to our Kapamilyas in times like this. Stay safe po!" saad ni Ariel matapos i-ulat ang mga pangyayari sa pananalasa ng bagyong Odette sa Kabisayaan.

"Makakaasa po ang ating mga Kapamilya na ihahatid natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa lagay ng panahon para lagi silang ligtas," pangako ni Ariel.