Masayang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na nakapagtapos na siya sa kolehiyo.

Sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 17, nagbigay ng kaniyang pansariling mensahe ang aktres para sa kaniyang pagtatapos at kung gaano siya ka-proud tungkol dito. Tinapos ni Heaven ang kaniyang kursong Business Management sa Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU).

Screengrab mula sa IG/Heaven Peralejo

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Graduate!!! I honestly never thought magagawa ko. Although I have to admit, finishing school never really crossed my mind anymore since I’m already earning. (ANG HIRAP!! Kaway-kaway sa mga nakakarelate)," pag-amin ni Heaven.

Ngunit nakatulong daw sa kaniya ang mga sermon sa kaniya ng ina. Nariyan din ang pagsuporta sa kaniya ng pamilya.

"However, my mom kept on reminding me (more on to the nagging side na) pasok ang litanya 'Ang pag-aartista pwedeng mawala anytime. Pero kung nakatapos ka, pwede mong magamit ito to change career.' Sampol pa lang 'yan sa mga sermon ni Mom dagdagan pa ng Barangay Family (heto talaga ang nakakatakot sa lahat!!! Parang lagi kang haharap sa thesis defense). That being said, best support system talaga ang family. I’m very thankful for them, they keep me grounded."

Pinasalamatan ni Heaven ang lahat ng mga may kinalaman sa kaniyang pagtatapos.

"Kaya Mom, thank you for all your sacrifices and for imparting different morals and values in me. In times of self-doubt, lagi kang nandyan to remind me of who I am, knowing my capabilities more than I do. With that, I'm forever grateful and indebted to you."

"To the staff, educators, & administration of SISFU, thank you for all the support."

"To all my friends, my go-to rant buddies, nakaka-inspire kayo."

"The lessons and insights that this journey has imparted in me have made it much more memorable."

Through it all, and what lies ahead-- I am very grateful and blessed. THANK YOU LORD. Lahat ng ito because of YOU!!!"

Sa isa pang IG post, ibinahagi ni Heaven ang kanilang virtual graduation ceremony na mapapanood din sa kaniyang YouTube channel.

Isa sa mga nagbigay ng pagbati sa kaniya ay ang malapit na kaibigan na si Kimpoy Feliciano, na kamakailan lamang ay na-link sa kaniya dahil sa pagpapalitan nila ng sweet messages sa isa't isa sa kanilang social media accounts. Pinabulaanan naman ni Heaven ang chikang ito sa pamamagitan ng panayam/bag raid kay Darla Sauler noong Nobyembre 28, 2021.