Aabot sa 400 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng₱2,720,000 ang nakumpiska sa dalawang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Makati City nitong Disyembre 16.

Inanunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Vicente Danao Jr. nitong Biyernes, Disyembre 17, ang pagkakaaresto ng dalawang suspek na sina Baby Madonna Vivero, 36, at Maria Sandra Esponilla, 36.

Dakong 10:30 ng gabi nitong Huwebes nang damputin ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Policesina Vivero at Esponillasa Burgos extension saBarangay Poblacion.

Nasabat sa mga suspek ang iligal na droga at marked money.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban kina Vivero at Esponilla.

Bella Gamotea