Aabot na sa 14 katao ang naiulat na nasawi matapos hagupitin ng bagyong 'Odette' ang Visayas at Mindanao, ayon sa pahayag ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes ng gabi.

Sa isang situational briefing, kasama si President Rodrigo Duterte, binanggit niNDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na kabilang sa mga namatay ay naitala saWestern Visayas (Region 6), Central Visayas (Region 7), Eastern Visayas (Region 8), Northern Mindanao (Region 10), at Caraga (Region 13).

“Hopefully in the next few days, in the conduct of more assessment of our local government units and regional government agencies involved, there will be no more casualties reported. We are doing our best, Mr. President, to collect the needed information,” aniya.

Gayunman, nilinaw nito na nagsasagawa pa sila ng validation sa ilang binawian ng buhay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar