Mukhang may 'pinipili' rin naman ang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza sa kung sino ang mga artistang 'tatargetin' niya sa pamamagitan ng pag-ispluk ng mga showbiz chika, na talaga namang pinag-uusapan ng mga Marites.

Isa na nga rito ang Kapamilya host na si Luis 'Lucky' Manzano na aminado si Xian na noong high school pa lamang siya ay idolo na niya. Kaya naman, 'untouchable' para sa kaniya ang mahusay na host, na muling magbabalik sa 'I Can See Your Voice'.

Mukhang natuwa nang labis si Xian nang makatanggap umano ng friend request mula kay Luis. Ibinahagi pa niya ang screengrab ng friend request nito sa kaniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

May be an image of text that says 'Lucky Manzano Sent you a friend request Respond Message See Lucky's About Info Friends 14 mutual friends'
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

"Idol Lucky, maraming salamat po sa friend request. Isang malaking karangalan. Gusto ko lang po ipaalam sa'yo na high school student pa lamang ako eh idolo na kita," pahayag ni Xian. Legit! No echos 'yan."

Kaya naman, nangako si Xian na dahil 'friends' na sila ni Luis sa FB, hinding-hindi niya umano ito itsitsismis.

"At dahil Facebook friends na po tayo ngayon, promise ko sa'yo na hinding-hindi ko po kayo itsitsismis ng iyong butihing asawa na si Jessy Mendiola. God bless you both po, Idol."

Matatandaang si Xian din ang nagmistulang nagpaalab ng apoy sa mga kumalat na isyu tungkol sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla, idagdag na rin si AJ Raval. Pagkatapos, inisyu rin niya sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Ngayon naman, iniisyu niya ang umano'y pakikipagkita ni Gerald Anderson sa iba habang si Julia umano ay nasa lock-in taping.