Dinepensahan ng dating miyembro ng Hashtags na si Wilbert Ross ang kaniyang leading lady na si AJ Raval laban sa mga bashers at haters nito sa social media, na wala na umanong ginawa kundi husgahan si AJ sa lahat ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nito.

“My word for people na jina-judge like AJ at lalo na sa ibang mga tao diyan na jna-judge ng publiko, stay strong tapos huwag mo masyado dibdibin lahat," ani Wilbert, sa virtual presscon ng kanilang pelikulang 'Crush Kong Curly' na mapapanood sa Vivamax nitong Disyembre 17, 2021.

“Kasi kilala natin yung sarili natin at kung ano tayo. Hindi natin kailangan i-prove yung sarili natin sa ibang tao kasi alam natin mismo sa sarili natin at alam ng mga tao sa paligid natin, mga pamilya and friends, kung ano tayo at ano ang worth natin sa mundo,” dadag pa ng binata.

“Ang masasabi ko lang sa mga judgmental na tao, minsan kasi nagiging hobby na siya to judge people. Siguro hindi sa kanila dapat yung pagsasabihan kasi parang yung tao hindi na sila napipigilan talaga."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kahit anong sabihin mo, sarado yung utak nila. In short, yung mga ganyang tao yun talaga ginagawa nila, manira, kung anu-anong sinasabi," aniya pa.

Samantala, inamin ng aktor na zero ang kaniyang buhay-pag-ibig ngayon.

“Wala po akong girlfriend kasi ayoko na maglaro as much as possible. Kumbaga tapos na ako sa phase na yun.

“Ako kasi kapag may nami-meet akong tao, tapos napi-feel ko na parang hindi kami ka-vibes so parang hindi siya magwo-work, hindi ko na pinapatagal. Pinuputol ko agad."

“Kasi alam natin sa panahon ngayon sa pandemic, malaking bagay yung inspired ka. Alam mo yun. Like in love ka tapos parang inspired ka everyday. Parang ganoon. I don’t want to waste my time sa taong alam kong hindi ko mabibigay lahat,” paliwanag niya.

Ang pelikulang 'Crush Kong Curly' ay unang pagtatambal nina Wilbert Ross at AJ Raval. Makakasama pa rito sina Chad Kinis, Maui Taylor, Jao Mapa at ang batikang aktres na si Gina Pareño.