Kasalukuyang dumadaan sa surgery ang South Korean actress na si Park So-dam, ito ay matapos ma-diagnose na may SoKor actress Park So-dam, sumasailam sa surgery matapos ma-diagnose na may thyroid cancer.

Ang balita ay kinumpirma ng ahensya ng aktres na Artist Agency noong Lunes, Disyembre 13.

Ayon rin sa ahensya, hindi muna makakadalo ang aktres sa mga 'promotional activities' para sa kasalukuyan nitong proyekto na "Special Cargo."

Matatandaang bumida si Park sa mga Korean film at series na The Priest (2015), Cinderella with Four Knights (2016), at Record of Youth (2020).

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Ipinakita rin nito ang galing sa pag-arte sa pelikulang "Parasite," na kung saan ay nag-uwi ng mga parangal na Palme d'Or (highest prize award) sa 2019 Cannes Film Festival at Academy Award for Best Picture.

Naging nominado rin ang aktres bilang Best Supporting Actress sa Blue Dragon Film Awards at Baeksang Arts Awards.