Unti-unti na ulit na bumabalik sa limelight si Paolo Contis na hindi na tinantanan ng intriga simula nang maghiwalay sila ni LJ Reyes, at maugnay sa 'friend' niyang si Yen Santos, na nakatambal niya sa pelikulang 'A Faraway Land'.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi pa sila tinatantanan ng mga intriga mula sa mga 'Marites' na tahimik na nakaabang sa kanilang mga kilos at kuda ni Yen sa social media. Ang latest pa ngang kumalat ay ang blind item tungkol sa isang buntis na controversial femal celebrity, at ang espekulasyon ng mga netizen ay si Yen daw ito.

Malabo naman daw mangyari iyon, ani Paolo. Tinanong na siya ng showbiz columnist na si Ogie Diaz tungkol dito ngunit pinabulaanan niya ang chikang ito.

Anyway, masaya si Paolo dahil batay umano sa ulat, number 1 ang 'A Faraway Land' sa mga pelikulang Pilipino na ipinalabas sa Netflix, at nasa number 6 spot sa overall ranking.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa ngayon ay umeere at napapanood sa GMA Telebabad ang kanilang teleserye nina Heart Evangelista at Richard Yap na

'I Left My Heart in Sorsogon' at kasama pa sa gag show na 'Bubble Gang'.

Magbabalik na rin umano siya sa musical variety show na 'All Out Sundays' tuwing Linggo.