Inamin ni Carmina Villaroel na may 'third party' umano sa relasyon nila ng mister na si Zoren Legaspi.

"'Yun 'yung third party namin: bisikleta at motor," natatawang pagsang-ayon ni Zoren sa pambubuking ng misis na si Mina, sa panayam nila sa 'Stories From the Heart: The End of Us' sa GMA Network.

Giit naman ni Carmina, "Ayoko talaga nagmomotor dahil delikado…Wala akong kalaban-laban sa mistress. Mahal niya eh."

Mainam naman daw na ang 'third party' sa kanilang relasyon ay hindi tao kundi motorsiklo at bisikleta dahil ito ang mga hilig ni Zoren.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Si Mina, hindi siya masaya kasi nerbyosa. Isang tingin sa 'kin 'pag naka motorcycle gear, I think it's mental torture 'pag nagmo-motor ako…Wala eh mahilig ako magmotor eh," saad pa ni Zoren.

Paliwanag naman ni Carmina, hindi naman sa wala siyang tiwala sa pagmamaneho ni Zoren, ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi mangamba, lalo na sa mga sasakyan sa kalsada.

Ayaw naman niyang pigilan ang mister sa hobby at 'first love' nito.

"I'm trying my best not to live in fear. Nagdadasal na lang ako."

"I don't want to stop him. That's his happiness. If hindi siya magiging maligaya, hindi siya magiging masaya sa bahay."

"I'm trying to understand but I don't think I can accept his mistress."

Inamin din ni Mina at Zoren na kahit mukhang 'perfect couple' sila, hindi pa rin nawawala ang mga argumento at pagtatalo nila bilang mag-asawa.

"'Yung buhay mag-asawa maaaring maging perfect, hindi mawawala 'yung pagtatalo, pag-aaway. Hindi mawawala ang bagyo. Dadaan ang isang marriage sa isang bagyo or dalawa or tatlo or apat…'Pag mayroong pagmamahalan kasi 'yung bagyo na 'yun is just a phase," pahayag ni Zoren.

Sey naman ni Carmina, "Nandoon 'yung respeto and pagmahahalan. Yes, we fight but na iron 'yung mga bagay-bagay. We make sure we talk about it."