Dalawang mangingisda ang naiulat na nawawala nitong Miyerkules matapos pumalaot sa kabila ng banta ng bagyong 'Odette' sa Negros Occidental nitong Martes ng umaga.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nakilala ang dalawa na sina Joevel Tipon, 29, at Noel dela Cruz, 19, kapwa taga-Binalbagan ng nasabi ring lalawigan.
Naiulat na naglakas-loob na pumalaot ang dalawa nitong Disyembre 14 kahit nagbabanta ang paghagupit ng bagyo sa probinsya.
Huling nakita ang dalawa na nangingisda sa karagatang sakop ng Pontevedra at Guiwaninsa Guimaras Island nitong Martes, dakong 4:00 ng hapon, ayon saCoast Guard Station sa Negros Occidental.
Kabilang ang naturang lalawigan sa isinailalim ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 3 bunsod ng bagyo.
PNA