Iniutos na ni Metro Manila Police chief, Maj. Gen. Vicente Danao, Jr. ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagkakapaslang sa isang pulis-Quezon City sa Rodriguez, Rizal nitong Martes, Disyembre 14.

Paniniyak ni Danao, bibigyan nito ng hustisya ang kaso ni Patrolman Mohamadal Sulaiman, taga-Phase 1K2, Rodriguez, Rizal at nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD).

Sa paunang imbestigasyon, pauwi na ang biktima pagkatapos bumili ng tinapay sa kalapit na lugar nang barilin ng isang hindi nakikilalang lalaki saBlock 2, Lot 1, Phase 1K2, Brgy. San Jose dakong 5:50 ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo, ayon sa imbestigador.

Probinsya

Lalaking nagnakaw ng manok ng pulis, patay sa engkwentro

“We deeply condemn this blatant killing of a man in uniform. The Rodriquez, Rizal PNP is already looking into all possible angles and we guarantee his family that we will exert all necessary efforts to ensure that this case is resolved at the soonest possible time,” pahayag pa ng heneral.

Bella Gamotea