Kamakailan lamang ay napabalita ang hiwalayan ng mag-jowang Janine Gutierrez at Rayver Cruz makalipas ang 4 na taong relasyon. Hindi kagaya ng ibang mga couple na naghiwalay nitong 2021, walang napabalitang third party sa naging puno't dulo ng lahat. Sadya lang daw nawalan ng oras sa isa't isa ang ex-love birds dahil umaarangkada pareho ang kani-kanilang showbiz careers, bagama't nakapagtataka dahil naging mag-jowa naman sila kahit noong Kapamilya pa si Rayver at Kapuso naman si Janine.

Anyway, heto na ang chika, kamakailan kasi ay guest ang aktres kasama ang kanyang nanay na si Lotlot De Leon sa 'Madlang Pipol' segment ng 'It’s Showtime.'

Dito ay biniro-biro ng mga hosts na sina Vice Ganda, Kim Chiu, at Ogie Alcasid si Janine: na kesyo kakaiba raw ang ngiti nito, o may tinatagong 'something'?

"Does she look happy or is she just hiding something?" untag ni Vice.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Happy to see you, Kim," nakangiting saad ni Janine habang nakatingin kay Kim Chiu.

At nagtuloy-tuloy na nga ang pang-iintriga ng mga hosts kay Janine.

“Ang sabi ni Ogie, itanong ko raw kay Lotlot kung sino ang gusto niya para kay Janine,” biro ni Vice.

Pahayag naman ni Lotlot, “Basta kung saan siya masaya doon ako.”

Pagkatapos ay tinanong ni Ogie si Janine kung sino o ano ang nagpapasaya sa kaniya.

"Kung saan, dito (ABS-CBN). Sobrang saya n’ya dito. Mayroon siyang bago, ‘di ba anak?” pambubuking ni Lotlot.

"Oh my God! Si Janine daw may bago!” sundot naman ni Vice at iba pang hosts.

At maya-maya, isiniwalat na ni Janine ang 'bago' sa buhay niya.

“Teka! Teka! Teka! Bagong palabas next year!” sabi ni Janine.

“Ah. Iyan ‘yung kasama si Lovi?” giit naman ni Ogie.

Ang tinutukoy ni Janine ay bagong proyekto niya sa iWantTFC kasama ang bagong Kapamilya star na si Lovi Poe na may pamagat na 'Sleep With Me'. Ito umano ay isang 'Girl Love' o GL series na nauuso at trend ngayon sa paggawa ng mga pelikula.

Janine Gutierrez at Lovi Poe (Larawan mula sa IG/Janine Gutierrez)

Sa kasalukuyan ay napapanood naman si Janine sa teleseryeng 'Marry Me Marry You' katambal si Paulo Avelino, at si Lovi Poe naman ay abala na rin sa taping para sa 'Flower of Evil' na pagtatambalan nila ng nagbabalik-Kapamilyang si Piolo Pascual.