Ipinagtanggol ni Miss Q&A season 1 grand winner Juliana Parizcova Segovia ang kaibigang komedyanteng si Brenda Mage mula sa bashers na wala na umanong ginawa kundi punahin ang mga kilos nito sa loob ng Bahay ni Kuya.

Isa si Brenda sa mga nominadong housemates para sa double eviction na magaganap sa darating na Linggo, Disyembre 19, 2021. Malakas ang panawagan ng mga netizen na magkakaisa silang bumoto para sa 'BBE' o vote to evict para kay Brenda, matapos ang ilang mga isyung ipinupukol sa kaniya, sa pagiging 'backstabber' umano sa mga kapwa housemate, partikular kay Alexa Ilacad.

Nagiging masyadong sweet at 'feelingera' na rin umano ito kay Eain Rances, gayong may jowa naman siya sa outside world.

Kaya nitong Disyembre 14, hindi na napigilan ni Miss Q&A na maglabas ng kaniyang saloobin sa social media. Ipinagtanggol na niya ang kaibigang si Brenda sa pamamagitan ng Facebook post. Kung siya raw ang tatanungin, gugustuhin na niyang lumabas si Brenda upang ipagtanggol ang sarili niya sa mga netizen.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Screengrab mula sa FB/Brenda Mage

"Brenda Mage… Sige na lumabas ka na ng Bahay ni Kuya… Masyado ka nang durog na durog dahil sa mga nakikita nila, at bilang isang tunay na kaibigan, mas gusto ko na lumabas ka para maisalba mo pa ang pangalan mo na unti-unting nasisira habang nasa loob ka ng bahay, dito mo sa labas ipagpatuloy ang pangarap mo," saad ni Juliana.

Aminado naman si Juliana na may mga pagkakamaling nagawa si Brenda subalit hindi lisensya ito upang 'ipako sa krus' ang kaibigan, kagaya ng ginawa sa housemate na si TJ Valderrama, na napagkaisahan ng mga netizen na hatulan ng vote to evict dahil sa isyu ng pagiging 'touchy' sa housemate na si Shanaia Gomez.

"Dito sa labas mo ipagpatuloy ang pagpapasaya mo. May mga pagkakamali ka pero maitatama mo lahat un kung lalabas ka na at tiyak ko na sa paglabas mo, maisasalba mo pa ang pangalan na matagal mong binuo, iningatan at inalagaan."

"Labas na Brends tulad ng sinasabi ko lagi sa'yo noon, sa isang pagkakamali mo malilimutan nila kung ilang beses mo sila napasaya… 'yan ang masakit na realidad ng buhay."

"Masakit bilang isang kaibigan na makita yung masasakit na salita na binibitawan nila sa'yo, pero 'yun lang kasi ang nakikita nila.."

At panghuling pahayag ni Juliana:

"Tandaan mo MAY KAIBIGAN KA PA RIN PAGLABAS MO."