Mukhang 'nagselos' ang housemate na si Brenda Mage sa sweetness nina Eain Rances at Alexa Ilacad, na itinampok sa Monday episode nitong Disyembre 13, sa trending at sinusubaybayang 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 1o celebrity edition.

Kinompronta ni Brenda si Eian sa kwwarto ng male housemates at inaming nagseselos siya sa nabuong pagkakaibigan nina Eian at Alexa. Sina Brenda at Eian kasi ang isa sa mga close friends sa loob ng Bahay ni Kuya.

Mas napapalapit naman si Eian kay Alexa nitong mga nagdaang araw habang tila lumalayo naman si Eian kay Brenda.

Sa naganap na date sa pagitan ng mga housemates na sina Jordan Andrews at Madam Inutz at Alexa at Eian na binuo ng kanilang mga kapwa housemates na sina Alyssa Valdez at Samantha Bernardo, naglabas naman ng saloobin si Brenda tungkol dito.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“I see werewolves dancing,” pahayag ni Brenda habang pinapanood ang pagsayaw nina Eian at Alexa.

Tinanong naman ni Samantha si Brenda kung nais nitong isara ang pinto.

“Yeah. Kakasuka.”

“Ang daming negative na sinabi si Eian against Alexa, and Alexa ang daming sinabi… And then in just one click, nag-ganoon sila. Oh my God, ang galing mag-switch. Congratulations! Dinaig ang Urian awards, ang MMFF,” sey pa Brenda kausap sina Alyssa at Samantha.

“Oscars ang aktingan! Grabe, gusto ko itanong kung saan sila nagwo-workshop sa galing nila umarte,” dagdag pa ng komedyante.

Bukod kina Eian at Alexa, nabigyan naman ng pagkakataon sina Eian at Brenda upang makapag-usap. Dito ay inamin ni Brenda na mahalaga sa kaniya si Eian bilang kaibigan.

Sa outside world naman, tila hindi nagugustuhan ng boyfriend ni Brenda na si Kelvin Simbulan ang closeness ng jowa kay Eian. Tinawag pa niyang 'bakla' ang huli.