Inilabas na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ang schedule ng selling period at pagbola sa kanilang Lotto at Keno games ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Batay sa isang public advisory, nabatid na walang Lotto, Digit at Keno games ang PCSO sa Disyembre 25, na mismong araw ng Pasko at maging sa Enero 1, na siya namang unang araw ng taong 2022.

Samantala, sa Disyembre 24 at 31, ang selling period para sa Lotto at Digit games ay mula 7:00AM hanggang 1:30PM habang ang Keno Games naman ay mula 7:00AM hanggang 2:00PM lamang.

Ang mga naturang palaro aybobolahin ng 11:30AM, 12:30PM at 2:00PM.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, magkakaroon naman ng regular selling at regular draws ang PCSO para sa mga nasabing palaro mula Disyembre 26 hanggang 30 at mula Enero 2, 2022 onwards.

Mary Ann Santiago