Muli na namang may pasaring ang Kapuso comedian na si Kiray Celis sa mga bashers at body shamers na lagi na lamang sinisita ang kaniyang mga larawang ipino-post sa social media.

Ayon kay Kiray, hindi raw ibig sabihin na nagsusuot siya ng revealing clothes ay nagpapabastos na siya. Gusto lamang niyang ipakita ang kaniyang self-confidence. Hindi rin umano ibig sabihin nito na nais niyang makapukaw ng atensyon ng mga lalaki.

Kiray Celis (Larawan mula sa IG/Kiray Celis)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Not because I’m wearing revealing clothing doesn’t mean I want to be disrespected. Allow me to be confident with my body and to wear whatever I like. Lastly, stop assuming that ladies dress up to impress boys.. And I, thank you! HAHAHAHA!"

Kalakip ng kaniyang Instagram post ang kaniyang litrato habang nasa tabi ng malaking bato na nasa tabi ng dagat, nakasuot ng white swimsuit.

Sa isa pang IG post, nag-post siya ng pagbati para sa kaniyang boyfriend na si Stephan Estopia para sa kanilang 2nd anniversary bilang magkasintahan.

Kiray Celis at Stephan Estopia (Larawan mula sa IG/Stephan Estopia)

"Bago matapos itong araw na 'to, gusto kitang batiin ng Happy happy happy 2nd anniversary @stephan.estopia. Maraming salamat sa pagmamahal, respeto, katapatan, tiwala, suporta at pag-aaruga. Mahal na mahal kita!!" aniya.

At syempre, hindi naman mawawala ang sweet anniversary message ni Stephan para sa kaniya, na 'asawa' na ang turing sa kaniya.

"Happy anniversary mommy! I love you very very much!"

"Thank you mommy sa pagsuporta mo lagi sa akin at pagmamahal, ikaw ang pinaka the best mommy! Wala na akong hihilingin pa."

This image has an empty alt attribute; its file name is image-165-600x371.png
Kiray Celis at Stephan Estopia (Larawan mula sa IG/Stephan Estopia)

"Habang buhay kitang mamahalin asawa ko mahal na mahal kita! @kiraycelis."