Bukod sa kanyang pagbubuntis, napag-usapan sa panayam na 'The Purple Chair' sa pagitan ng singer na si Angeline Quinto at Tito Boy Abunda ang matagal nang tsismis na 'lesbian' o tomboy ang singer.

Aniya, matagal na umanong iniisyu sa kaniya na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community. Dumipensa naman umano siya.

“Tito Boy, kasi ang lagi kong sinasabi, talagang boyish ako simula noon. So, baka namimisinterpret ng iba ‘yung pagiging gano’n ko. Kasi Tito Boy, nanggaling ako sa buhay na wala naman akong pakialam. Tapos biglang gano’n.”

Giit ni Tito Boy, “Pero naririnig mo ‘yun?”

National

PBBM office, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱10.5B proposed budget sa 2025

Sagot naman ni Angeline sa kaniya, “Oo naman, Tito Boy. Diyos ko, naging jowa ko nga raw si KC Concepcion.” na sinabayan na lang nito ng tawa. Si KC Concepcion ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

“Ayan ang kauna-unahan, Tito Boy, [na] lumabas na balita pagkapanalo ko. Mahiya naman ako kay Mama Sharon (Cuneta) kung jowain ko siya,” dugtong ng singer. Matatandaang si Angeline ang itinanghal na Grand Winner para sa singing competition na 'Star Power' at simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang kasikatan ni Angeline.

Anyway, pagdating naman sa kaniyang ipinagbubuntis, April 2022 ang ini-expect na pagsisilang ni Angeline.

Aniya, “Tito Boy, excited na excited ako sa totoo lang. Parang ngayon lang din ako naging excited nang ganito ulit sa buhay ko. Pero kasi Tito Boy, minsan siyempre hindi naman mawawala sa mga iniisip ko, paano bang maging nanay, 'di ba? Ako naman kasi, parang hindi na rin ako mahihirapan kasi ang daming mga nanay na malapit sa akin. At unang-una siyempre Tito Boy, napalaki naman ako nang maayos ng Mama Bob so ako, I’m sure na magiging mabuting nanay din ako sa magiging anak ko."

Bagama't ayaw niyang pangalanan ang sinasabing non-showbiz bf na ama ng kanyang dinadalang baby boy, sinabi lang niya na isang taon na raw nitong karelasyon na sinasabing single father na nitong bf..

“Nakilala ko siya, Tito Boy, dahil kaibigan po siya ‘nung boyfriend din ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila po. Non-showbiz po.

“Tapos, ‘nung nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon ng communication po, nagtuluy-tuloy. So ngayon, tito Boy, bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami.” pahayag ng ASAP singer.

Ador V. Saluta