Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 na sapat ang suplay ng COVID-19 vaccines para sa nalalapit na ikalawang National Vaccination Days.
Pagdidiin ni NTF Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, hindi lamang sa bakuna kontra COVID-19 sapat ang supply ng Pilipinas kundi maging sa mga syringe na gagamitin.
Nakatakda ang tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan sa buong bansa sa Disyembre 15-17.
Iginiit ni Dizon na ang solusyon lang para sa magtuluy-tuloy ang nararanasang mababang bilang ng mga naitatalang COVID-19 cases ay kapag mas maraming tao pa ang nagpapabakuna.
Sa unang bahagi ng Bayanihan, Bakunahan" na isinagawa noong Nobyembre 29, nagawang makapagbakuna ng pamahalaan ng mahigit 10 milyong katao."
Bet Camia