Kinakiligan ng mga Pinoy netizen ang paglapit ni Miss Universe 2021 judge Marian Rivera sa pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez, matapos ang programa ng coronation night, na ginanap sa bansang Israel.

Batay sa kumakalat na mga video sa TikTok, makikitang nilapitan ni Marian si Bea upang batiin ito sa kaniyang journey bilang Miss Universe candidate na kumatawan sa buong Pilipinas.

Makikita sa video na hinawakan ni Marian nang mahigpit ang mga kamay ni Bea at tila masayang-masaya dahil umabot sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marian Rivera at Beatrice Luigi Gomez (Screengrab mula sa Twitter/@abelabbarientos21)

May be an image of 5 people and people standing
Marian Rivera at Beatrice Luigi Gomez (Larawan mula sa FB/Marian Rivera)

May be an image of 3 people and people standing
Marian Rivera at Beatrice Luigi Gomez (Larawan mula sa FB/Marian Rivera)

May be an image of 5 people and people standing
Marian Rivera at Beatrice Luigi Gomez (Larawan mula sa FB/Marian Rivera)

May be an image of 4 people and people standing
Marian Rivera at Beatrice Luigi Gomez (Larawan mula sa FB/Marian Rivera)

Ayon sa mga netizen, kung titingnan daw ay parang kasali sa Miss Universe si Marian nang mapahalo na sa mga kandidata na nasa stage pa ng mga sandaling iyon at nakikipag-chikahan at yakapan pa sa ibang kandidata.

"Sarap panoorin ng interaction nina Marian at Beatrice."

"Parang isa sa mga candidates lang si Marian."

"Ang ganda ni Marian! Parang puwedeng-puwede na siyang lumaban sa Miss Universe."