Isa sa mga Pinoy celebrities na talaga namang tumututok at aktibo sa pagtu-tweet ng updates sa tuwing may Miss Universe competition ay si Unkabogable Star Vice Ganda.

Nitong Disyembre 13, kasabay ng coronation night ng Miss Universe na napanood nitong umaga sa Pilipinas, isa sa mga nai-tweet ni Vice ay ang napakagandang si Marian Rivera na isa sa mga naupong hurado sa naturang timpalak. Kapansin-pansin ang paghiyaw at masigabong palakpakan ng mga Pinoy na nanood nang live sa venue, nang ipakilala na ang Kapuso actress.

LOOK: Marian Rivera arrives in Israel to serve as judge in Miss Universe  2021
Marian Rivera (Larawan mula sa IG)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marian Rivera, six other celebs announced as official judges for 70th Miss  Universe Competition – Manila Bulletin
Marian Rivera (Larawan mula sa IG)

Marian Rivera off to Israel on Dec. 6 for 70th Miss Universe finals –  Manila Bulletin
Marian Rivera (Larawan mula sa IG)

May be a closeup of 1 person
Marian Rivera (Larawan mula sa IG)

May be an image of 1 person and standing
Marian Rivera (Larawan mula sa IG)

Marian Rivera wears Francis Libiran gown at Miss Universe 2021 | PEP.ph
Marian Rivera (Screengrab mula sa YT)

At talaga nga namang hindi nagpakabog si Marian sa hanay ng mga pinagpipitaganang hurado, dahil para na siyang isang kandidata na puwedeng-puwede na ring sumalang sa Miss Universe stage.

At iyan din ang napansin ni Meme Vice na kaniya namang nai-tweet.

"Si Marian ang koronahan. Siya pinakamaganda! Panalo ang Pilipens! #MissUniversePhilippines2021," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Vice Ganda

Tila sumang-ayon naman ang mga netizen sa kaniya.

"Mas panalo yung recording artist po. Pero ang gandaaa talagaaaaa!"

"Sa byuti panalo si Marian natin… pwede."

"Maganda pa si Marian sa mga contestant!"

"Panalo ang ganda ni Marian, grabe! Bagay na bagay sila ni Dingdong Dantes na napakagwapo rin naman."