Hindi man direktang kinumpirma, mukhang hindi nga okay ang friendship nina Julia Barretto at Janella Salvador at mukhang matagal-tagal na silang hindi nag-uusap.

Sa kumakalat ngayon na video ng panayam ni King of Talk Boy Abunda kay Julia Barretto, naitanong ni Tito Boy kung kumusta na ba sila ng kaniyang kaibigang si Janella Salvador.

"What happened to you and Janella, are you guys talking? Are you still friends? tanong ng talk show host kay Julia habang sila ay nasa Kumu.

Makikitang napaisip pa si Julia at saka tumugon.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

"Ahm… we haven't been talking for a long time na Tito Boy, although you know what Tito Boy, hindi ako maano… hindi ako marunong magtanim ng galit… I just want to have fun with my heart," wika ni Julia.

Ayaw nang ungkatin at balikan pa ni Julia kung anuman ang naging dahilan ng kanilang pagkakagalit ni Janella. Hindi rin niya idinetalye kung ano ang pinag-ugatan nito. Sinabi ni Julia na masaya siya sa panibagong yugto sa buhay ni Janella bilang isang ina.

Hindi na rin inurirat pa ni Tito Boy ang kuwento sa likod nito, ngunit hangad niya na maayos pa nina Julia at Janella ang kanilang gusot.

"Ipagbahala na natin sa Diyos 'yan, Tito Boy," wika ni Julia habang nakangiti.

Matatandaang nauna nang isiniwalat ni Janella na hindi na sila nakakapag-usap pa ni Julia sa vlog ng kaniyang kaibigang celebrity twins na sina Joj at Jai Agpangan noong Setyembre 2021.

“Honestly, di na kami nag-uusap ngayon and there was an issue before… di ko na sasabihin kung ano pero alam n'yo na 'yun,” saad ni Janella.

"Nag-reach out siya nang nalaman niyang buntis ako, sinendan niya ako ng balloons tapos nag-thank you ako pero hindi na nag-progress ang friendship namin, pero open naman ako in the future na if ever we cross paths again, eh 'di why not?” pag-amin pa ni Janella.