Going international na ang 2009 hit song na "Sabay-sabay Tayo” ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang ituro nito ang iconic dance steps sa kapwa Miss Universe judge at Bollywood actress na si Urvashi Rautela.

Habang hinihintay ang pagsisimula ng preliminary competition prestihiyusong beauty pageant, makikita sa kumakalat na mga video online na itinuturo ni Marian ang hand gestures at iconic dance steps ng Sabay-sabay Tayo kay Urvashi.

Marian Rivera at Urvashi Rautela via Facebook

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Game na game naman na sinundan ng Indian actress si Marian Rivera.

Sa isang Facebook post, ibinahagi rin ni Marian ang ilang behind the scene photos at videos kung saan ipinakilala ng aktres si Urvashi bilang isang “new friend.”

Si Urvashi ang naging kandidata ng bansang India sa Miss Universe 2015 edition na kalauna’y bumida sa ilang Bollywood movies kabilang na ang “Singh Saab the Great” noong 2013 at “Sanam Re” noong 2016.

Kasalukuyang nasa Eilat, Israel si Marian Rivera kasama ang asawang si Dingdong Dantes upang magsilbing isa sa selection committee ng Miss Universe 2021 pageant.

Suot ang modern Filipiniana-style na damit ni Francis Libiran, glowing ang ganda ni Kapuso star sa preliminary night.