May patutsada at tirada ang kontrobersyal na direktor na si Direk Darryl Yap sa mga taga-showbiz na nagka-'cancel' o naghahayag ng pagkadismaya sa direktor na si Paul Soriano, ang mister ni Toni Gonzaga, dahil umano sa pagsuporta nito kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Sa Facebook post ni Direk Darryl nitong Disyembre 11, hayagan niyang sinabi na ang mga taga-industriyang ito ay mga 'walang narating kundi pwet ng mga direktor'.

"Kinacancel si Direk Paul Soriano dahil ang pinili nyang suportahan ay si Bongbong Marcos. Noong tiningnan ko kung sino-sino ang nambabash- eh yung mga taga-industriyang ang gusto nila— sila lang ang tama, sila lang ang may ipinaglalaban," aniya.

"Ito rin yung mga taga-industriyang walang ibang narating kundi pwet ng mga direktor nilang hinimod nila hanggang mapudpod, naligaw na sila sa bulbul ng isa’t-isa kakasigaw na sila lang ang may karapatang gumawa ng pelikula."

Karina Bautista, PH navy reservist na

"Ang tibok ng puso, gaya ng dikta ng konsensya, ang boto at sining ay hindi lamang bunga ng panlasa, ang mga ito ay nabubuo dahil sa karanasan, koneksyon, kultura at pagkakakilanlan—at ang mga taong pilit kang huhusgahan dahil sa pinili mong gamitin ang iyong karapatan ay walang pinagiba sa mga halimaw na ipinangako nilang papaslangin."

Kaya naman, may pagsamo si Direk Darry:

"Lord, kung sakaling balang araw, wala rin akong mapagkabalahan… wag mo sana akong gawing tulad nila… wala na ngang project, wala pang respect. Amen."

Screengrab mula sa FB/Darry Yap

Matatandaang na-cancel din ang misis ni Paul Soriano na si Toni matapos niyang kapanayamin si BBM sa kaniyang talk show vlog na 'Toni Talks' noong Setyembre 2021.

Hindi naman nabanggit ng direktor kung sino-sino ang mga celebrity na ito.

Ninong sa kasal nina Paul at Toni si BBM.

Si Direk Darryl Yap ay unang nakilala sa 'VinCentiments', at ngayon ay mas sumisikat dahil sa kaniyang mga pelikula sa Viva Films na napapanood sa Vivamax, gaya ng 'Revirginized', 'Paglaki ko, Gusto Kong Maging Pornstar', 'Pornstar 2: Pangalawang Putok', at marami pang iba.