Nakatakdang ipagkaloob ng isang non-government organization (NGO) ang donasyong ₱20 milyon sa gobyerno upang makatulong na mahikayat ang mamamayan na magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Atty. Caroline Cruz, executive director ng Pitmaster Foundation, mismong ang Chairman of the Board ng Lucky 8 corporation ang nag-utos na maglaanng nasabing halaga bilang kontribusyon ng kumpanya sa patuloy na vaccination campaign ng bansa.

“We will turn over thesaid funds sa national government for the purpose na hikayatin ang mga ayaw o nagdadalawang-isip pa diyan kung magpabakuna ba o hindi.We can see the efforts of our government para mabakunahan ang lahat ng mamamayan and we want to help para mahikayat ang lahat sa pamamagitan ng cash reward nga,”pahayag nito.

Wala rin aniyangdahilan upang hindi magpabakuna dahil hindi lamang ito para sa proteksyon ng ating sarili kundi pati na rin ang ating mga mahal sa buhay at mga katrabaho.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Mary Ann Santiago