Kasunod ng pagbabawas ng mga hubad na larawan sa kanyang Instagram at tila pagbabago sa dating sexy image ng aktres, at modelong si Kim Domingo, inamin nito kamakailan ang napansin niya sa kanyang mga followers.

Matatandaan na unang nakilala sa Youtube si Kim matapos ang kanyang viral version ng sikat na dumbsmash craze na Twerk it Like Miley. Mula rito, hindi na napigil ang pagbulusok sa karero ni Kim na kadalasa'y prente ang seksi niyang imahe sa kalendaryo, men's magazine at mga karakter sa mga programa sa telebisyon.

Limang taon matapos ang pamamayagpag ni Kim, aminad itong hindi na niya kayang gawin ang malalang pagpapa-sexy sa ngayon.

“’Yung talagang laban ako, ’di ko na kayang gawin ulit ’yon,” sabi niya sa sa isang online press conference nitong Miyerkules, Dis. 8.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Larawan mula sa Facebook ni Kim Domingo

Dahil sa kanyang desisyong magbawas ng mga hubad na larawan sa kanyang Instagram, napansin ng Kapuso actress ang pagkawala ng ilang kanyang followers sa Instagram.

Gayunpaman, nais na ngayon ng aktres na magbigay ng iba pang maihahain sa kanyang manunuod maliban sa kanyang sexy image noon.

“Mas gusto ko na makita nila na meron akong ibang kayang gawin bukod sa pagpapa-sexy,” sabi ng aktres.

“May mga taong nawala. Kasi nung time na nagpapa-sexy ako, ang dami. Tapos nung time na nagbawas na ’ko, sabi ko parang may mga taong nawala, like sa following sa social media—umonti,” dagdag ni Kim.

Sa kabila nito, hindi dismayado ang aktres lalo pa’t ngayon ay mas sinusunod niya ang kaniyang puso.

“Masaya ako sa ginagawa ko,” sabi ni Kim.

Gayunpaman, hindi pa rin niya sinasara ang kanyang sarili sa pagganap sa mga sexy roles.