Awtomatikong pasok na sa Top 30 o semifinal round ang pambato ng Pilipinas sa Miss World competition ngayong taon matapos magwagi ni Tracy Maureen Perez sa “Head to Head Challenge” nitong Huwebes, Dis. 10.

Ang fast track challenge na ito ay sumusukat sa talas ng pakikipagtalastasan ng mga kandidata sa isang interview.

Kabilang sa mga walong nagwagi sa challenge ang pambato ng Nepal, Paraguay, Venezuela, Botswana, Cameroon, Cote d’Ivoire at Nicaragua.

Ang bansang Puerto Rico ang kasalukuyang host country ng Miss World kung saan kasalukuyang ginaganap ang fast track events kabilang ang Top Model, Sports, Talent. Head to Head Challenge, bukod sa iba pa.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Gaganapin sa Dis. 16 ang finale at coronation night ng Miss World.