Sa magkasunod na “cryptic posts” ng former beauty queen at television host na si Maggie Wilson sa Instagram kamakailan, ‘di maiwasan ng mga “Marites” online ang magsulat na naman ng telenobela.

Sa unang larawan na ibinahagi ni Maggie kung saan makikita siyang nakatalikod at nasa isang swing sa tila isang disyerto, umani sa atensyon ng netizens ang naging caption ni Maggie.

“There are 3 things that cannot be hidden for long. The sun, the moon and the truth. Soon!” sabi nito.

Sa ikalawang larawan na kinunan sa isang dalampasigan lalo pang nag-spill ng tea ang TV personality matapos ang makahulugang caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I have been broken too many times in the past. I have put myself back together so many times before and I can do it again.

“This time, I am armed with the self-respect, morals and values I forgot I had because I was blind.

“This time, I woke up.

“This time, I have found courage.?”

Screengrab mula sa Instagram story ni Maggie Wilson

Dahil dito, hindi na napigil ang ilang online Marites at iniugnay ang mga salita ni Maggie sa kamakailang hiwalayan nila ng kanyang 11-taong asawa na si Victor Consunji.

Nitong Setyembre, isang pahayag ang nilabas ni Maggie kaugnay ng kanilang paghihiwalay.

“Vic and I have made the difficult decision a while back to separate. It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us. We will always love and support each other no matter what,” sabi niya sa isang pahayag.

Ano nga ba ang pinatutungkulan ni Maggie bilang “truth” sa kaniyang Instagram post?

Cheating Issue

Nauna nang iginiit ng ex-husband ni Maggie si Vic sa isang Instagram story na wala sa kanilang dalawa ang nagtaksil sa kanilang higit isang dekadang pagsasama.

“Despite what you may have heard. To be absolutely clear, neither @wilsonmaggie or I had an affair with each other,” tugon at paglilinaw ng British-Thai businessman sa isang Instagram story na ibinahagi rin ni Maggie sa kanyang story.

Sa ngayon, wala pang mas malinaw na paliwanag si Maggie sa kanyang mga binitawang salita kamakailan sa social media.