ILOILO CITY -- Dalawang magkapatid ang namatay nang barilin ng isang lalaking kumakandidato bilang konsehal sa Ajuy, Iloilo province.

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ng Ajuy town ang suspek na si Ronald Causing, 50-anyos, kandidato ng Pili village.

Pinagbabaril at napatay umano nito ang kanyang dalawang kapitbahay na sina Edmon Articulo, 36 at Ramon Articulo, 22 noong gabi ng Disyembre 8.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, lasing umano ang magkapatid at nag-iingay sa labas ng bahay ni Causing. Ang magkapatid ay nagsasabi umano na hindi mananalo si Causing.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kaya ito ang naging sanhi kaya lumabas si Causing at binaril ang magkapatid.

Nalaman ng pulisya na may naunang sama ng loob sa pagitan ni Causing at magkapatid na Articulo na tumagal ng ilang taon.

Nauna nang nagsampa ng blotter report si Causing sa Ajuy police para iulat na sinusubukan siya ng magkapatid na makipag-away.

Samantala, hindi pa naaaresto si Causing.

Tara Yap