Kinaaliwan ng mga netizen ang pabirong birthday message ni 'First Yaya-turned-First Lady' na si Sanya Lopez sa nakatatandang kapatid na si Jak Roberto nitong Disyembre 2.

Ayon sa kaniyang IG story, pabirong sinabi ni Sanya na proud siya sa kaniyang kapatid kahit na 'bida-bida' ito.

"Always remember that I'm ALWAYS PROUD OF YOU kahit bida-bida ka! Labyouu kuya. Happy birthday!" aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sanya Lopez and Jak Roberto
Sanya Lopez at Jak Roberto (Screengrab mula sa IG/Sanya Lopez/Jak Roberto)

Nirepost naman ni Jak ang birthday greeting ng kapatid.

Syempre, hindi rin mawawala ang sweet birthday greeting ng kaniyang jowang si Barbie Forteza.

Jak Roberto (Screengrab mula sa IG/Barbie Forteza)

"Happy birthday, Mahal! @jakroberto," ayon sa caption ng Instagram post ni Barbie.

"Stay driven and grounded. Alam kong makukuha mo lahat ng goals mo kase masipag ka, mahal mo yung trabaho mo at higit sa lahat, mabuti kang tao. Tuloy mo lang 'yan, mahal. Proud na proud ako sa 'yo."

"I love you so much!"