Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 562 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes, Disyembre 9.

Ayon sa DOH, mas mataas ito kumpara sa 370 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Pilipinas nitong Miyerkules, Disyembre 8.

Batay sa DOH case bulletin #635, umaabot na ngayon sa 2,835,996 ang total COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.4% na lamang o 12,169 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa mga active cases naman, 4,838 ang mild cases, 3,857 ang moderate cases, 2,177 ang severe cases, 851 ang asymptomatic at 446 ang kritikal.

#WalangPasok: Class suspensions ngayong July 10

Mayroon din namang 882 mga pasyente pa ang gumaling na rin mula sa sakit, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,773,891 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.8% ng total cases.

Nakapagtala pa rin naman ang DOH ng 176 pang pasyente na namatay sa sakit.

Sa kabuuan, nasa 49,936 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.76% ng total cases.

Mary Ann Santiago