Inilabas ng Google Philippines ang Top 10 Pinoy YouTube content creators batay sa dami ng vlogs, views nito, at subscribers para sa taong 2021.
Nangunguna sa listahan ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi (14.4M subscribers) na sinundan naman ni Zeinab Harake (11.4M subscribers), at ang pangatlo ay si Alex Gonzaga-Morada (11.9M subscribers).
Sumunod naman sa kaniya ang ate niyang si Toni Gonzaga para sa Toni Gonzaga Studio (4.61M subscribers) na nagpo-produce ng 'Toni Talks'. Ang panlima naman ay si Donnalyn Bartolome (8.45M subscribers).
Pang-anim naman si Unkabogable Star Vice Ganda (6.05M subscribers). Ang ilan pa ay sina Skusta Clee TV (2.56M subscribers), Mika Salamanca (4.35M subscribers) ang kapatid na lalaki ni Ivana na si Hash Alawi (1.83M subscribers), at panghuli ay si Cong TV (9.12M subscribers).
Samantala, nawala naman sa listahan ngayon ang mga Pinoy vloggers na napabilang sa Top 10 noong 2020, gaya nina AkoSiDogie (6.49M subscribers), Jelai Andres (6.76M subscribers), Doc Willie Ong (6.73M subscribers), Niana Guerrero (14.1M subscribers), at Ranz Kyle (14.6M subscribers).
Tumaas naman ang ranggo nina Donnalyn Bartolome, Alex Gonzaga, Zeinab Harake, at Ivana Alawi.
Ang mga bagong pasok naman sa Top 10 ngayong 2011 ngunit wala noong 2020 ay sina Vice Ganda, Skusta Clee TV, Mika Salamanca, Toni Gonzaga, at Hash Alawi. Si Hash naman ang rank 1 sa Top 10 Pinoy Breakout YouTubers ng 2021.
Si Cong TV, bagama't nasa Top 10, ay bumaba naman mula sa 6th rank patungong 10th rank.
Samantala, ang ilan pang breakout YouTube content creators na susunod sa puwesto ni Hash Alawi ay sina Wilbert Tolentino (1.87M subscribers), Boy Tapang (1.77M subscribers), Andrea Brillantes (3.68M subscribers), MPL Philippines (1.2M subscribers), AJ Raval (1.2M subscribers), Herlene Hipon (1.52M subscribers), Mygz Molino (1.63M subscribers), Bonoy & Pinty Gonzaga (1.29M subscribers), at Luis Manzano (1.18M subscribers).