Inspirasyon naman ang hatid ng viral vlog ni Karen Davila sa pag-house raid niya sa bagong bahay ni Mcneal Briguela o mas kilala bilang si "Awra."

Kita sa vlog na si Karen Davila ay hangang-hanga kay Awra dahil sa diskarte at investments nito. "Ay ang ganda! You must feel so proud," ani ni Karen dahil sa sobrang sosyal at bongga ng bahay ni Awra.

Kita sa vlog ang pagkamangha ni Karen dahil sa diskarte na ipinamalas ni Awra kaya naman nakabili na ito ng mga investment.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"Ay ang ganda! You must feel so proud," ani ni Karen dahil sa sobrang sosyal at bongga ng bahay ni Awra.

Ibinahagi rin ni Awra na ang kanyang napanalunang bahay at lupa sa game show na "Your Face Sounds Familiar: Kids" ay hindi niya binenta dahil pinapataas umano nito ang value ng lupa.

Pangarap din niya ang magkaroon ng negosyo kung saan bibili ito ng mga lupa.

"Ang pangarap ko Miss Karen, pagdumami pa yung pera ko, ang gagawin kong business, bibili ako ng lupa, puro lupa lang ang bibilhin ko," pagku-kwento ni Awra.

Samantala, natanong din ni Karen kay Awra ang tungkol sa issue nila ni Feng Dela Cruz.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Feng Dela Cruz?"

"Nagkilala kami sa Twitter at we're getting to know each other. Tapos from September to December nag-uusap kami from good morning to goodnight, parang alam mo may thing na pero wala po talagang thing na naging kami, parang naging sweet kami sa isa't-isa at nag-iloveyouhan na. Pero ilang beses din po niya ako ginhost at yung last december hindi ko na po talaga siya kinausap," sagot ni Awra.

Dagdag pa nito na nasaktan siya umano at parang naramdaman niya na pinaglaruan lang siya dahil 'yung pinakilala ni Feng na friend ay kanya palang tatlong taon ng boyfriend. Pero napatawad narin daw umano ni Awra si Feng sa ginawa nito.

Bukod sa mga bahay, lupa, at mga parangal na natamo ni Awra, napagtapos rin niya ang kanyang tatay sa kolehiyo at buong tuwa pa itong nagbahagi na siya mismo ang isa sa mga dumalo ng graduation ng kanyang ama.

Tinanong rin ni Miss Karen ang ama ni Awra kung kailan nalaman nitong si Awra ay isang parte ng LGBTQ+A.

"Kailan mo po napansin na si Awra at isa mo pang anak ay Gay?"

"Noong three years old pa lang po eh, nararamdaman ko na kasi po 'pag binibilhan ko po ng laruan na bola 'yung pinaglaruan niya po is 'yung barbie ng kapatid niya. Sa'kin naman po eh, kung saan masaya yung anak ko, doon po ako masaya. Noong nararamdaman ko po na ganun siya, tinanggap ko na po sa sarili ko, kasi kung hindi ko po matatanggap, paano pa po yung iba tao?" sagot naman ng ama ni Awra.

Sa huling parte ng video ay sinorpresa rin ni Awra ng simpleng handaan si Karen Davila para sa kanyang Birthday.

Ang video ay umabot na ng 57,000 likes at mahigit isang milyong views. Umani rin ito ng mga positibong komento galing sa netizens.

Si Awra ay isang actor at komedyante na bumida sa iba't-ibang palabas sa telebisyon gaya ng FPJ's Ang Probinsyano, Super Parental Guardians, at sumali rin ito sa Your Face Sounds Familiar: Kids, na kung saan siya ang nanalo sa taong 2017.

Dagdag pa rito, siya ay nanalo ng 3rd Aral Parangal for Best Child Performer ng dalawang beses. Kabilang rin siya sa nakatanggap ng Platinum Stallion Media Awards, Gawad Filipino Award at marami pang iba. Dahil sa kasipagan ni Awra, nakapagtayo na ito ng bagong bahay kung saan magkakasama sila ng kanyang pamilya.