Naitanong sa magjowang sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial kung ano ang posibleng dahilan para mawasak ang kanilang relasyon, batay sa kanilang online media conference para sa kanilang pelikulang 'Dulo' na mapapanood sa Vivamax, ang online streaming app ng Viva Films.

In fairness, pareho naman sila ng sagot: 'cheating'.

“Para sa akin, cheating talaga. Siyempre, kapag feel ko na rin at alam ko na sobra nang dami ng lies, sobrang dami nang itinatago," ani Barbie.

“Kapag siguro paulit-ulit na lang yung mga story na same lang yung mga ginagawa, paulit-ulit na lang, yun talaga,” dagdag naman ng Kapamilya actress.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinegundahan naman ni Diego ang jowa.

“Exactly the same. Sorry, I don’t mean to like shorten my answer but that’s exactly how I feel. Dun din kami nag-bonding kasi we both agreed that’s the point, that’s the limit, if something like that happens, it’s hard."

“There are couples out there na nagkaroon ng cheating, ng betrayal, pero kaya nila. Pero sa aming dalawa, as of this moment, that’s something na hindi namin kaya 'yun."

“We promised so much to each other, we plan so much with each other. We have plans of getting a house, maybe make investments, we want to do so much,” pahayag ni Diego.

May payo rin ang mag-jowa sa mga young couple na kagaya nila.

“Don’t lie. Don’t cheat. Maging honest ka lang kahit alam mo na masasaktan yung tao," wika ni Barbie.

“Mas okay yun kesa itago mo tapos pagmukhain mong tanga yung partner mo. Minsan, sinasabi natin na nakikinig naman tayo pero hindi naman talaga pumapasok sa utak."

“Parang okay, nakikinig ka lang pero wala naman pag-iintindi, so importante na kapag nakikinig ka, iniintindi mo rin."

Payo naman ni Diego, “For guys, understanding talaga. Let’s be honest, understanding. You gotta put your girl first. That’s the truth. Totoo iyan.”

Sa Disyembre 11 ay magdidiwang ng kanilang first anniversary bilang magjowa sina Diego at Barbie, kaya regalo na sa kanila kung marami ang manonood sa kanilang pelikulang 'Dulo' directed by Fifth Solomon.