Usap-usapan ngayon ang komento ng kilalang direktor na si Darryl Yap, sa ipinakalat na blind item ng 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, tungkol kay Kapamilya actor Gerald Anderson.

Ayon kasi kay Xian, habang nasa lock-in taping umano ang jowa ni Gerald na si Julia Barretto ay may kinita o may dinalaw raw itong iba!

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/06/xian-gaza-sino-ang-kinita-ni-gerald-habang-nasa-lock-in-taping-si-julia/">https://balita.net.ph/2021/12/06/xian-gaza-sino-ang-kinita-ni-gerald-habang-nasa-lock-in-taping-si-julia/

Karina Bautista, PH navy reservist na

This image has an empty alt attribute; its file name is image-60.png
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Bagama't hindi naman tinukoy ni Xian kung sino o ano ang pinuntahan nito, naging 'malisyoso' naman ang mga netizen at Marites sa pagbibigay ng sapantaha na baka ito ay 'paglalaro ng daga habang wala ang pusa'.

Isa sa mga nagbigay ng komento rito si Yap.

"Basta, kahit ano pang gawin ni Gerald, may karapatan sya," ayon sa social media post ng direktor ng 'Pornstar 2: Pangalawang Putok' sa Vivamax.

"Mga DAKS lang ang pwedeng magloko. Isa sa mga ginintuang aral 'yan na nakuha ko kay Gina Pareño," dagdag pa niya.

Si Gina Pareño ay batikan at award-winning actress na nakaiderehe ni Yap sa pelikulang 'Tililing'.

Ang daks naman ay balbal na salita na tumutukoy sa pagkakaroon ng malaking ari ng isang lalaki, mula sa lokal na salitang 'dakkel' ng wikang Ilocano, o 'dako' sa wikang Bisaya, na nangangahulugang malaki. Ang iba pang terminong ginagamit ay 'dakila'.