Ipinagtanggol mismo ng ina ni Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga ang babaeng ininvolve sa kaniyang anak na si AJ Raval, bagay na itinanggi na nga ni AJ at maging ni Diego.

Matatandaang si Xian Gaza ang unang nag-ispluk na diumano'y niligawan ni Diego ang aktres na nakatambal niya sa pelikulang 'Death of a Girlfriend' sa Vivamax, kahit na sila pa ni Barbie Imperial.

Nagdulot naman ito ng isyu sa mga Marites at syempre, nakarating sa mag-jowa. Kaya nga sa latest interview ni King of Talk Boy Abunda kay Barbie, hinimok niya si AJ na magsalita na tungkol sa isyu kung talaga bang hindi siya 'kabit' o baka naman daw gusto niya talagang napag-uusapan siya.

Binasag na rin ni AJ ang kaniyang katahimikan at sinabi niyang hindi nanligaw si Diego sa kaniya, hindi naging sila, at hindi ito nagpupunta sa bahay nila sa Pampanga.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Sa gitna ng mga hindi magagandang paratang kay AJ, nagsalita si Teresa at pinaboran si AJ.

Ayon umano sa ipinadalang text message ni Teresa sa production assistant ni Cristy Fermin, sa radio program nilang 'Cristy Fer Minute' kasama si Romel Chika, sinabi nito na hindi siya pabor sa paninirang-puri na natatanggap ngayon ni AJ, lalo na ang isyu sa pagiging kabit.

“Naranasan ko na sira-siraan noon. Ang paninira sa ibang tao ay hindi kahit minsan naging solusyon. Nakilala ko si AJ. She seems like a nice girl, and kilala ko din ang dad niya,” mensahe ni Teresa, na kabilang ngayon sa cast ng 'Marry Me Marry You'.

“Sana tumigil na ang paninira. Life should be happy. Lahat nagkakamali at nadadapa."

Nagbigay rin siya ng komento sa isyu namang may anak na raw sa pagkadalaga si AJ.

“Kahit may anak or wala, she is a woman. Ako po, nanganak at naging single mom. Let’s respect AJ also. Sana si Chismosong Frog ang layuan niya.”

Haka-haka ng mga netizen, ang tinutukoy umanong 'Chismosong Frog' ay si Xian Gaza na nag-expose nito.