Ang box-office at award-winning director na si Direk Cathy Garcia-Molina ang kinapanayam ni Toni Gonzaga sa kaniyang 'Toni Talks' na umere nitong Disyembre 5, na may titulong 'Why Direk Cathy Doesn't Consider Herself Successful'.

Cathy Garcia-Molina (Screengrab mula sa YT/Toni Talks)

Cathy Garcia-Molina (Screengrab mula sa YT/Toni Talks)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Isa sa mga naungkat ni Toni sa direktor ng mga box-office at hit movies ng Star Cinema ay kung sino ang mga itinuturing niyang mentor sa paggawa ng pelikula. Isa raw sa mga hindi niya malilimutang engkuwentro noong nagsisimula pa lamang siya bilang 'script continuity' ay si Direk Chito Roño.

Kuwento niya, na-intimidate daw siya nang una niyang makita si Direk Chito. Bukod kasi sa likas na matangkad ito (6 footer), tila inisnaban siya nito nang mag-hello siya rito. Dumiretso lang daw ito ng tingin at naglakad.

"Natakot na ako, nanginig na ako," natatawang kuwento ni Direk Cathy. 'Pero siguro talagang may tapang ako sa loob na, hindi naman ako napanghinaan ng loob, tapos ang maganda sa industriyang iyan, hindi naman sila non-welcoming sa mga baguhan. In fact, I had a lot of help.

Nabato na umano siya ng iskrip ni Direk Chito.

Chito S. Roño to direct 'Darna: The TV series' – Manila Bulletin
Chito Roño (Larawan mula sa Manila Bulletin)

"Marami 'yan, hahaha," natatawang sabi ni Direk Cathy. "Kay Direk Chito ko na-experience yung mga unang ganyan ng buhay ko. Pero sa kaniya rin ako natuto. Tapos kapag script continuity ka, ikaw ang madalas na kabatuhan ng artista kapag reading of lines. So, ah… eksena sa korte, sa witness stand… si Lorna T., lahat-lahat, kukunan na ang eksena… eh 'di read ka ng lines, syempre iba-ibang eksena 'di ba…"

Pinaghiwa-hiwalay na raw niya ang pahina at bahagi ng script. May bahagi raw sa script na nawawala ang isang pahina. Dito na raw nagalit si Direk Chito at ibinato sa kaniya ang script. Lumipad daw sa mukha niya ang mga pahina nito.

Okay lang naman daw sa kaniya na naranasan niya iyon dahil aminado naman siya sa sarili niya na kaya siya pinagalitan ay dahil nagkamali siya. Ito raw ang nakatulong sa kaniya upang huwag nang ulitin ang mga pagkakamaling nagawa niya.

"Siguro natuwa naman siya, kaya yung 2nd movie niya, bago matapos yung 1st, sabi niya sa akin, 'Hoy Cathy, may gagawin akong pelikula, Vilma Santos…"

Nang marinig daw niya ito, hindi na nagpatumpik-tumpik si Direk Cathy at tinanggap ito dahil tagahanga siya ni Vilma Santos. Ito ay ang pelikulang 'Ikaw Lang' nina Vilma Santos, Ronnie Ricketts, at Cesar Montano.

Sa ngayon, si Direk Chito Roño ang magiging direktor ng 'Mars Ravelo's: Darna TV Series' na lilipad na sa 2022.