Marami raw ang nakapapansin na hindi napagkikikita ang 'Pambansang PacMom' na si Mommy Dionisia Pacquiao, lalo't ang anak niyang si Senator Manny Pacquiao ay susuong sa panibagong laban---hindi sa boxing, kundi sa mahigpit na labanan sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan 2022.

Pati ang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis, iyan din ang napuna.

"Marami nga ang naghahanap kay Mommy Dionisia, Salve. Para ngang bigla nawala ito ng mga nakaraan panahon ha. Dati-rati lagi siyang nasa eksena basta may kinalaman kay Manny Pacquiao, pero kahit na ng maging kandidato sa Presidente ang anak hindi nagpakita si Mommy Dionisia," pahayag ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Disyembre 6, na may kalakip na larawan nina Mommy D at manugang na si Jinkee.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Jinkee Pacquiao at Mommy Dionisia Pacquiao (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

"Baka dahil nga sa pandemic at takot sa covid kaya hindi muna ito lumalabas. Plus sabi nga ng iba baka nag-enjoy sa buhay may asawa dahil hindi ba nagkaroon siya ng bagong partner sa buhay? Pero now, meron silang bagong photos ni Jinkee Pacquiao kaya baka start na ito uli ng pagiging very visible ni Mommy Dionisia."

Isang 'newsmaker' din umano si Mommy D kaya nakakapanibago raw na hindi ito naririnig o nakakapanayam tungkol sa pagtakbo ng anak sa presidential race.

"Fixture na siya talaga sa Pacquiao scenery kaya hahanapin mo siya. Dahil newsmaker din si Mommy Dionisia kaya agaw balita din siya sa lahat ng issues. Ngayon lumabas na uli siya, sure na masaya na naman ang news di ba Salve at Gorgy . Tiyak iyon mga one liner niya, basa diyaryo na naman. Abangan!!"

Nitong Disyembre 5 naman, makikita sa Instagram ni Jinkee Pacquiao ang litrato nila ni Mommy D.

"My husband tells me that there are two beautiful women in his life. Me and You," caption ni Jinkee na pumapatungkol sa kaniyang biyenan.

Sabi ni Jinkee, mag-best friend na raw sila ngayon ni Mommy D.

Jinkee Pacquiao at Mommy Dionisia Pacquiao (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

"How blessed we are, how fortunate we've been, that you are his mother, and also my best friend."