Nakakaloka naman pala ang biro at panunukso ng mga netizen sa pambato ng Pilipinas para sa Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez sa kapwa nito kandidatanng si Miss Armenia Nane Avetisyan.

Lumabas kasi ang mga video nila sa official Twitter at Instagram accounts ng Miss Universe Organization, kung saan makikitang tila nagba-bonding si Bea kasama si Miss Armenia, at maraming nagbirong bagay sila.

Matatandaang inamin ni Bea na miyembro siya ng LGBTQIA+ community at kakahiwalay lamang nila ng kaniyang girlfriend na si Kate Agdon. Pitong taon din ang kanilang naging relasyon.

Sa nasabing video, maiispatan sina Bea Gomez at ang Miss Armenia na lulan ng isang all-terrain vehicle o ATV. Nag-pictorial pa sila sa mga disyerto.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero ang 'kinakiligan' ng mga netizen ay nang kargahin ni Bea si Miss Armenia.

“Always ready for a photo op! #missuniverse," aniya sa caption.

Tinukso tuloy si Bea at ang sabi sa kaniya ng mga tao, 'korona' muna ang atupagin niya at huwag 'lovelife'.

"Bea crown ang iuuwi ah? Hindi si Miss Armenia."

"Lovelife pala ang maiuuwi ni Luigi."

"Thank you po sa pag-update sa amin. Nahihirapan na kami mag-stalk sa iba mahagilap ka lang po. Sana po maiuwi ang korona at ang lovelife!"

Samantala, hindi rin nagpahuli si Miss Armenia na tinawag pang 'partner in crime' si Bea. Ibinahagi niya ang ilang mga larawan nila ni Bea at iba pang Miss Universe candidates. Inilarawan niya si Bea bilang nice, caring, at real.

"And meet my partner in crime: @beatriceluigigmz. She is so Nice, Caring and REAL!" aniya.

Magaganap ang grand coronation night ng Miss Universe 2021 sa Red Sea Resort sa Eilat, Israel sa darating na Disyembre 12, at Disyembre 13 naman sa oras dito sa Pilipinas. Isa nga sa mga inaabangang hurado ay si Marian Rivera, na tumulak na rin patungong Israel.