Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 543 bagong kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Disyembre 6.

Mas mababa ito kumpara sa 603 na naitala ng DOH nitong Linggo, Disyembre 5.

Umaabot na ngayon sa 2,835,154 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.5% na lamang o 13,548 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Sa mga active cases naman, 5,545 ang mild cases, 3,898 ang moderate cases, 2,366 ang severe cases, 1,063 ang asymptomatic at 676 ang kritikal.

Aabot pa sa 830 mga pasyente pa ang gumaling sa sakit, kaya sa kabuuan, nasa 2,772,107 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.8% ng total cases.

Nasa 113 pa ang naitalang namatay sa sakit, ayon sa DOH.

Sa kabuuan, nasa 49,499 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.75% ng total cases.

Mary Ann Santiago