Inihayag ng Pasig City government noong Linggo, Disyembre 5, na namahagi na ito ng mga gift bag sa mahigit 130,000 pamilya sa limang barangay ng lungsod sa unang anim na araw ng "Pamaskong Handog" 2021 program.

Kabilang sa mga barangay na nakatanggap ng "Pamaskong Handog" ay ang Dela Paz, Santolan, Rosario, Sta. Lucia, at San Miguel.

Patuloy naman ang pamamahagi ng mga gift bag sa Barangay Manggahan, Maybunga, at Palatiw simula noong Disyembre 5.

Ngayong Lunes, Disyembre 6, ipagpapatuloy ang pamamahagi sa Barangay Maybunga, Bambang, at Caniogan.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sa naturang 130,000 bag na ipinamahagi ay hindi pa kasama ang mga pamilya at indibidwal na nakatira sa mga condominium na pinangangasiwaan ng PH 2021 -- Condo Team.

Ang schedule at guidelines para sa registration, distribution, at pagkuha ng Pamaskong Handog ay makikita sa opisyal na Facebook page ng Pasig City Information Office.

Khriscielle Yalao