Ipinagtanggol ng talent manager na si Wilbert Tolentino ang kaniyang alagang si Daisy Lopez a.k.a. 'Madam Inutz' dahil sa mga bashing na natatanggap nito, kaugnay ng pag-uusap nila ng isa pang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si Brenda Mage, laban kay Alexa Ilacad.

Sa naturang video clip mula sa PBB na pinagpiyestahan sa online world, mapapakinggang pinag-uusapan nina Madam Inutz at Brenda ang apat na nominadong housemates, na dalawa sa kanila ay tuluyang ma-eevict. Ito ay sina Samantha Bernardo, Karen Bordador, TJ Valderrama, at Alexa Ilacad.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/02/brenda-mage-at-madam-inutz-mga-marites-ng-pbb-alexa-ilacad-sinabihang-walang-silbi/">https://balita.net.ph/2021/12/02/brenda-mage-at-madam-inutz-mga-marites-ng-pbb-alexa-ilacad-sinabihang-walang-silbi/

Sinabi umano ni Madam Inutz na wala naman siyang nakitang nagawa ni Alexa sa loob ng Bahay ni Kuya. Sabi naman ni Brenda, wala raw silbi at puro ganda lang si Alexa. Bagay na hindi naman nagustuhan ng mga netizen, lalo na ng mga tagahanga nito. Tinawag na 'backstabbers' at 'plastik' ang dalawang housemates.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pahayag ni Madam Inutz: “Sa tingin ko naman hindi matatalo si TJ (Valderrama). Ako tingin ko talaga diyan, for sure ako kay Karen (Bordador)… Karen or Alexa ako. Pero kung malakas ang supporters ni Alexa–”

Reaksyon naman ni Brenda: “Paano maganda ba editing kay TJ? E, ang ganda ng editing ni Alexa.”

“Kaya nga, e. ‘Yun lang din ang pinagtataka ko. So far na andito ako, wala pa akong nakikitang nagawa (ni Alexa) as in puro lang music," wika pa ni Madam.

Dito na 'rumatata' ang bibig ni Brenada.

"Puro lang siya music, wala nga siya ambag dito. Tingnan mo sa grupo nila, kalat din siya, iyakin kasi wala siyang nagagawa, zero lagi ambag niya. Kanina sa tingin mo may ambag ang lakas niya? Wala rin ambag.”

"Sa lahat ng task, wala siya ambag. ‘Yun lang ‘yung sa play, kanta lang, sirena siya. Ramen ano ginagawa? Walang siyang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH, laging lampa. Sa lutuan naman, walang kwenta, di ba? Panay pa tago ng tinapay tsaka itlog, panay lamon pa. Kapag kumakain, hindi nagpapaalam… ‘Yun lang ambag niya love team love team, pero siya laging nase-save."

Nitong Disyembre 3, gamit ang Facebook page ni Madam Inutz na ginagamit niya sa online selling, nag-post na si Wilbert ng kaniyang opisyal na pahayag upang ipagtanggol sa bashers ang alaga.

"STATEMENT mula sa Manager Wilbert Tolentino: Mag-iwan lang ako ng STATEMENT sa issues ni (Brenda, Inutz & Alexa sa PBB)," panimula ng post.

"FYI lang po, I voted sis Sam & Alexa para i-SAVE sila sa PBB. dahil gusto ko din character ni Alexa. Ngayon ko lang napanood ang footage. Sa bibig ni BRENDA ang salitang 'WALANG SILBI AT GANDA LANG' hindi naman galing sa bibig ni Madam Inutz namin."

"Yung sagot lang ni Inutz na 'OO', binansag n'yo na agad ng backstabber. Huwag po tayo manghusga ng tao. Hindi n'yo man lang kinonsider na maaaring narinig lang niya yung salitang 'GANDA LANG' kaya napa-OO lang si Inutz natin?"

Wala raw magawa ang ilang mga tao kundi maghanap ng maipaninira nila sa mga tao.

"Ang mga bashers walang magawa kundi manira lang! More than anyone else kami ang mas nakakakilala kay Madam Inutz.

At bilang manager ni Madam, hindi ko siya ipapasok sa PBB kung basura lang siya. ipinasok ko siya dahil gusto ko i-share niya ang story niya at ma(ka)-inspire siya sa mga kabataan at sa mga malalayo sa magulang."

"She is well-loved by many. Kaya after n'yo po mabasa ang aking STATEMENT, let's all move forward na po at abangan na lang natin kung sino matitira sa Bahay ni KUYA sa Grand Finals. SPREAD LOVE NOT HATE!!" paalala pa ng manager ni Madam Inutz na kilalang galante at binigyan pa ng bagong bahay ang alaga, bago ito pumasok sa PBB House.

"Sa mga nag-PM sa akin at palayuin si Inutz kay Brenda, wala po tayo magagawa dahil bawal po may convo outside the WORLD. Pero salamat sa mga CONCERN at sa mga nagtatanggol kay Madam Inutz natin lalo na mga Kainutz natin. Love you all."

Paalala rin ni Wilbert na reality show ang pinasok ng kaniyang alaga, at kung anuman ang ipinakita nito, kagaya ng pagmumura nito sa online selling na sa halip na kainisan ay minahal pa ng mga tao, ganoon din naman ang nais niyang mangyari ngayon.

"FYI hindi ko i-TURN OFF ang COMMENTS tulad ng iba dahil alam ko ang manok namin si Madam Inutz ay totoong tao. Lalaban at hindi susuko. Reality show ang pinasok ni Madam Inutz kaya Nobody's Perfect. Good or bad, still publicity.

Admin Wilbert Tolentino."