Ginanap ang virtual media conference para sa pelikulang 'Dulo' na pinagbibidahan ng mag-jowang sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial nitong Biyernes, Disyembre 3 sa pamamagitan ng Zoom, at dinaluhan ng mga showbiz writer.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, bago pa man magsimula ang tanungan portion, mahigpit at magalang nang nakiusap si Diego sa mga dumalong showbiz press na magpokus lamang sana ang kanilang mga tanong sa kanilang pelikula, at huwag nang ungkatin ang isyu tungkol kay AJ Raval.

“Ako lang ang magsasalita, on behalf of the both of us. Barbie doesn't have to say anything at all," pakiusap ni Diego sa press.

"So to all our friends today, unang-una, gusto kong magpasalamat. Once again, you’ve given us the time of your day to spend with us, to promote our movie."

Events

Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

"I know it’s inevitable that someone is gonna ask certain questions so I want to be the one na mauna na and talk about it briefly."

"All I want to say nga po is, today, we are here to promote and to talk about our movie, and I want [it] to stay that way. Tungkol lang sa movie, everything about the movie."

Kapag may nagtanong o nagbanggit ng mga tanong na wala namang kinalaman sa proyekto, hindi raw ito sasagutin ni Diego.

Hindi rin daw nila kailangan linisin ang mga pangalan nila sa isang bagay na wala naman silang kinalaman, o wala naman silang ginawa.

"I want this to be a positive experience. I want this to be a positive presscon and good vibes lang. Happy…. Happy kami!! So, please, let’s not entertain anything else. Let’s leave it at that," pagdidiin pa ni Diego.

Nitong Sabado naman, Disyembre 4, lumabas na ang opisyal na pahayag ni AJ Raval hinggil sa isyung kinasasangkutan kay Diego Loyzaga, sa isang panayam ng showbiz site. Nilinaw at pinabulaanan niyang wala silang relasyon ni Diego, hindi ito nanligaw sa kaniya, hindi ito nagpupunta sa bahay nila sa Pampanga at nagkukulong umano sa kuwarto (batay sa mga pasabog ni Xian Gaza).

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/04/aj-raval-nagsalita-na-inamin-ang-tunay-na-relasyon-nila-ni-diego-aljur/">https://balita.net.ph/2021/12/04/aj-raval-nagsalita-na-inamin-ang-tunay-na-relasyon-nila-ni-diego-aljur/

Nilinaw din ni AJ na wala silang relasyon ni Aljur, na nauna nang maugnay sa kaniya, sa kasagsagan naman ng pakikipaghiwalay nito sa misis na si Kylie Padilla.