Matapos mapag-usapan ang pagbabanta ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na maaaring makasuhan ng kasong kriminal ang sinumang mambibintang kay Queen of All Media Kris Aquino na ginamit umano nito ang mga binawing alahas mula sa dating First Lady Imelda Marcos, dumepensa naman din ang kaibigan ni Kris na si Angel Locsin.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/02/sereno-nagbanta-criminal-case-po-ang-bintang-na-ginamit-ni-kris-aquino-ang-alahas-ni-imelda-marcos/">https://balita.net.ph/2021/12/02/sereno-nagbanta-criminal-case-po-ang-bintang-na-ginamit-ni-kris-aquino-ang-alahas-ni-imelda-marcos/

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Angel ang screengrab ng isang online news hinggil dito, at nilagyan ng caption na: "She can afford to buy her own jewelry with her hard earned money. Thank you very much,” saad pa ni Angel.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Matatandaang si Angel din ang nagpadala naman umano ng screengrab ng cryptic tweet ni dating Quezon City mayor at senatorial aspirant Herbert Bautista kay Krissy, hinggil sa 'the one that got away' nito, na ikina-react naman ni dating DILG Secretary at fiance nito na si Mel Sarmiento.

Anyway, ilang taon na ring kumakalat ang 'fake news' umanong ito tungkol sa paggamit ni Kris sa mga binawing alahas ni Imelda, na matagal na ring pinabulaanan ni Kristeta noon pang 2016.

"The necklace I wore was made from cubic zirconia and silver – hindi po DIAMONDS (not diamonds). In other words, fake sila although Bottega Veneta naman,” pahayag niya noon.

“Enough! And the TRUTH is on my side – including credit card receipts,” sabi pa niya.