Natagpuang patay ang isang Pinay housekeeper sa isang kwarto ng Bally's Hotel sa Las Vegas, Nevada noong Linggo, Nobyembre 28.

Ayon sa mga awtoridad, isinugod sa ospital si Basilisa Tagget-Smith, 61, tubong Bohol, ngunit idineklara itong patay.

Naunang itinuring ng pulisya na kahina-hinala ang kanyang pagkamatay nang maglabas sila ng video ng person of interest, ngunit nilinaw ng kanyang anak na si Lemuel na nastroke ang kanyang ina. 

Sa isang panayam ng ABS-CBN kay Lemuel noong Huwebes, Dis. 2, aniya hindi pinatay ng kriminal ang kanyang ina. 

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

“Hindi siya pinatay ng ibang kriminal. Na-stroke lang siya sa pinagtatrabahuan niya. Natumba, nabagok ang ulo n’ya. Nagkabukol. May dugo doon sa pader na natumbahan niya," ani Lemuel.

CherrylinCaacbay