Aabot sa kabuuang 245.3 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,668,040 ang nasamsam umano ng mga awtoridad sa isang pinaghihinalaang big-time drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City nitong Biyernes, Disyembre 3.

Nasa kustodiya na ng Taguig City Police ang suspek na kinilalang si Jemily Lasdon, 31, at taga-nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg, nagkasa ng anti-illegal drug operation  ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasay City Police sa Road 17 Extension, Maguindanao St., Barangay New Lower Bicutan, dakong 8:10 ng gabi na ikinaaresto ni Lasdon.

Nakumpiska umano kay Lasdon ang limang pakete ng iligal na droga, sling bag at marked money.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sasampahan si Lasdonng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea