Tatawid na mula TikTok patungon screen ang sikat na social media personality na si Esnyr Ranollo para sa pelikulang "Love Is Color Blind."

Larawan: Esnyr Ranollo/FB

Sa Facebook post ni Esnyr, nagpasalamat ito sa mga taga-suporta nito at sinabing hindi siya aabot sa pelikula kung wala ang mga fans niya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

"Cheers to our first movie guys! Hindi ako makakaabot dito without your endless support. MAHAL KO KAYO SOLID CLASSMATES!"

Ayon sa kanya, makikita rin sa pelikula ang mga ibat-ibang 'personalidad' na kanyang isasaarte sa 'Esnyr Multiverse.'

"CLASSMATE BALONG SPOTTED ON THE TRAILER. Abangan pa yung mga ibang classmates like ANDREI, PRECIOUS, ASHLEY, and the whole ESNYR MULTIVERSE AT "Love Is Color Blind" starring DONNY PANGILINAN & BELLE MARIANO this DECEMBER 10."

Nakilala si Esnyr sa mga nakakaaliw na TikTok videos na nagpapakita ng iba't-ibang eksena sa paaralan.

Samantala, makakasama naman ni Esnyr ang love team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Mapapanuod naman ng Love Is Color Blind sa streaming platforms tulad ng KTX, iWantTFC, TFC IPTV, Sky Cable PPV, Cignal PPV, at Smart GigaPlay, sa Disyembre 10.