Inilagay na sa "very low risk" ang Metro Manila sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nito.

Ito ang pahayag ngOCTA Research Group nitong Biyernes, Disyembre 3.

Sa kanilang Twitter post, ipinaliwanag niOCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, ang ikinumparang datos mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2 ng taon sa datos sa kaparehong panahon ng nakalipas na taon.

Aniya, aabot na lamang sa 130 ang average new cases per day sa National Capital Region na mas mababa kumpara sa ulat sa nakalipas na taon.

Politics

Sen. Imee, ikinokonsidera daw maging Senate President?

Nasa 0.36 naman ang reproduction number ngayong taon na mas mababa kumpara sa 0.94 sa nakaraang taon.

Naitala naman ang 0.97 na daily attack rate per 100,000 individuals sa nakalipas na linggo na mas mababa rin umpara sa 2.94 noong nakalipas na taon.

PNA