Ipinasilip na ng ABS-CBN ang unang teaser ng “The Broken Marriage Vow,” ang Philippine adaptation ng sikat na British drama na “Doctor Foster” o mas nakilala sa bansa kasunod ng Korean adaptation nitong “A World of the Married.”

Sa 30 segundong teaser na inilabas ng ABS-CBN sa kanilang social media pages nitong kamakailan, masisilip na ang all-out na pagganap ng mga karakter nina Jodi Sta Maria bilang si Dra. Jill Illustre, Zanjoe Marudo bilang David Illustre at Sue Ramirez bilang si Lexy Lucero.

Agad din na ipinakita sa teaser ang iconic birthday party scene kung saan nadiskubre ni Dra. Jill sa compartment ng kotse ng kanyang asawa ang ilang ebidensya ng pagtataksil nito.

Nahagip na rin ang eksena na lubos na magpapagigil sa sambayanan--ang lantarang pakikipagharutan ni David at Lexy.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Teaser 1 | The Broken Marriage Vow via ABS-CBN Entertainment Youtube Channel

Matapos subaybayan ng mga Pilipino ang Korean adaptation nitong “A World of the Married" noong 2020, inaabangan na ngayon ang atakeng gagawin ng Pinoy creatives upang isabuhay ang kwento.

Nakatakdang ilabas ng ABS-Csa publiko ang buong trailer sa darating na Disyembre 15.