Inatake ng isang grupong ng mga militanteng Islamic State (IS) nitong Huwebes ang dalawang bus na ikinasawi ng 10 manggagawa ng langis sa silangang lalawigan ng Deir al-Zour.

Tinambangan ng mga militanteng IS ang dalawang bus na naghahatid sa mga manggagawang nagtatrabaho sa al-Kharata oil field sa kanluran ng Deir al-Zour. Ayon sa ulat ng state news agency na SANA, ilang manggagawa ang sugatan dahil sa pag-atake.

Ayon kay Governor Fadel Najjar, ang nilalayon ng pag-atake ay upang isabotahe ang produksyon ng mga pabrika at agricultural sector sa Deir al-Zour. 

Xinhua

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo