Feel old yet?

Sa kanyang ibinahaging Youtube vlog nitong Huwebes, ipinasilip ng 16-anyos na si Ryza Mae Dizon ang konstruksyon ng kaniyang “dream house” sa Pampanga.

Kasama ang kanyang ina at mga kapatid, binisita ng youngest Eat Bulaga host ang construction site ng kaniyang pinatatayong bahay.

Bagaman hindi pa nakikita ang buong porma ng bahay, mapapansin sa site ang abala nang mga tauhang unti-unting binubuo ang tahanan ni “Aling Maliit.”

Kiko Pangilinan, madalas makadiskusyon mga anak: 'Gano'n talaga'

NAUMPISAHAN NA ANG AKING DREAM HOUSE l Ryzza Mae Dizon via Youtube

Puno rin ng mga materyales ang lugar senyales na tuloy-tukoy ang pagkumpleto ng estruktura.

Dalawang palapag ang itinatayong bahay ni Ryza Mae kung saan matatanaw mula rito ang malawak na palayan at ang Bundok Arayat.

Malayo na nga ang narating ng noo’y anim na taong gulang lang na grand winner ng Little Miss Philippines 2012.

Nakilala si Ryza Mae bilang pinakabatang talk show host sa kanyang self-titled program na The Ryza Mae Show.